Tuesday, November 11, 2008

Listahan ng Utang

This morning, a blogger, a retired general, and their posse made a visit to Congress to deliver a letter they wrote themselves. At the ungodly hour of 8:00AM, these blokes with something to say and with fire in their hearts filed an intervention to add the Memorandum of Agreement on Ancestral Domain between the government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) to the charges in the impeachment complaint against President Gloria Macapagal-Arroyo. In effect, humahaba na ang listahan ng utang ni Gloriang Labandera.

Being a professional student, I decided to do my homework on said event. Naturally, I asked my friendly neighborhood manang tending the sari-sari store cum social hub of what happens to those with an ever growing list of debt. She gave a knowing look which said... THERE WILL BE RECKONING.

The time for "RECKONING" is coming. But before we pop the Moët et Chandon and unscrew the basi, let's give the guy with a famous grandfather a chance to describe the spanking new addition to the impeachment epic.

*********************************************
Unang-una sa lahat, ang mga naniniwala na ang impeachment ay isang “numbers game,” ay may mentalidad ng isang tuta na sunud-sunuran at hindi ginagamit ang pag-iisip bilang isang tao.

Ang Kongreso ay may dalawang bahagi - ang Kamara de Representates, at ng Senado.

Kapag ang isang Presidente ay may hinaharap na sakdal tungkol sa kanyang mga gawain bilang punong ehekutibo, ang Kamara ay ang tumatanggap ng mga akusasyon laban sa Pangulo, at gumagampan ng pag-aaral ng ebidensya upang makilatis kung ito ay masusustansya at kung ito ay dapat ipursigi at litisin sa Senado.

Bilang mga pangkaraniwang mamamayan, bilang mga blogger, beterano, sibilyan, Kristiyano, at Muslim, kami ay naniniwala na obligasyon namin na patibayin ng husto ang mga paratang laban sa Pangulo ng Pilipinas.

Sa aming pananaw ay dapat bigyan atensiyon ng Kamara ang isyu ng BJE-MOA sa pagitan ng Pangulo at ng MILF, ukol sa Mindanao. Ang usapang ito ay nabuo na may pahintulot ng Pangulo; ang sinasaad nito ay idineklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Kung hindi pumasok sa usapin ang Korte Suprema, marahil ay nagkapirmahan na sana sa Kuala Lumpur, sapagkat bukod sa inaprobahan ang kasunduang ito ng Pangulo, ay ipinahintulutan pa niya ang kanyang mga kinatawan na mangumbida ng mga representante ng iba’t ibang bansa sa Kuala Lumpur.

Tinutulan ang BJE-MOA na ito ng maraming residente ng Mindanao - lalong-lalo na ang mga Kristiyano at ang kanilang mga opisyales; ang iba naman, tulad ng ating mga Kapatid na Muslim, ay umasa na may kongkretong usapan sila ng Pangulo ngunit sila ay basta na lamang tinalikuran. Maaaring wala talaga siyang intensyon na ipatupad ang kanilang usapan, at sinadya niyang itago ang kasunduang ito sa mamamayan upang masabi niya na hindi naman nya ito maitutuloy sa dahilang hindi pa hinog ang panahon.

May panindigan o pananaw man o wala ang ordinaryong mamamayan sa usapang ito, ang naidulot lamang nito ay perwisyo at sakuna: sa buhay, ari-arian, kapayapaan at ekonomiya hindi lang ng Mindanao, kundi ng buong Pilipinas.

Ang ibig sabihin nito ay ginawang laruan ng Pangulong Arroyo ang buong Mindanao dahil lamang sa paghahanap ng malulusutan upang isulong ang pag-amyenda sa Saligang Batas o ang Cha-Cha.

Ang ibig sabihin nito ay inilagay sa peligro ng Pangulong Arroyo ang lahat ng naninirahan sa Mindanao dahil lamang sa kanyang mga ambisyon.

Kung kaya’t dahil sa mga ikinilos at ginawa niya; sa paglabag niya sa Saligang Batas; sa pagtalikod nya sa kanyang sinumpaang obligasyon na protektahan at depensahan ang Saligang Batas; sa paglihim niya sa mamamayang Pilipino ng mga patungkol sa mga probisyon na nais niyang isulong sa kasunduan; sa malinaw na panloloko niya sa mga kapatid nating Muslim; sa maraming nasawi or nabawian ng buhay na sibilyan at militar; at dahil sa kaguluhang idinulot nya sa Mindanao; ay pinaninindigan namin na dapat maisama sa impeachment complaint ang usapin na ito.

Ayun kay Atty. Neri Colmenares, kailangan lang namin ma-isumite ang interbensyon na ito, upang maaksyunan ng Kamara. Hindi na daw kailangan i-endorse ito ng sinumang diputado o kinatawan. Kami ay naniniwala kay Atty. Colmenares at sa mga kinatawan ng oposisyon sa Kamara.

Ngunit nananawagan pa din kami na kung maaari, sa darating na Lunes, ika-17 ng Nobyembre, ay i-endorse pa rin ng mga kinatawan ng oposisyon ang aming inihahain na dokumento na siyang pinagaralan namin at nilagdaan bilang pagpapatunay na ito ay ang aming panindigan. Kung kaya’t umaasa kami na sana ito rin ang maging panindigan ng mga kongresista sa oposisyon at ng mga kinatawan na miyembro ng mayoriya, na tumutol sa kasunduang BJE-MOA.

Sa paraan na ito, ay mawawakasan na ang bangayan sa ating lipunan, mabibgyan ng pagkakataon ang Pangulo na sagutin ang mga paratang sa kanya, at makakasiguro ang Kongreso at ang taong-bayan na hindi nagtatago ang Pangulo sa likod ng kanyang mga patakbuhin.

Ang impeachment ay hindi nasasakluban ng executive privilege. Walang executive privilege ang impeachment. Kung tatalakayin ng tapat at ng walang kinikilingan ang mga paratang na nasasaloob sa impeachment complaint, kung pakikinggan ng wasto ang mga testigo, at kung pag-aaralang mabuti ang mga ebidensyang inihain ng mga complainant sa Kamara, ay makasisiguro tayo na magwawakas rin ang alitan ng administrasyon at oposisyon at ang pagkakahati ng ating mamamayan.

Nananawagan po kami sa sambayanang Pilipino na sana ay suportahan ang aming interbensyon.

Nais po naming magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa amin, sila Joey de Venecia, ang mga bloggers na lumagada, ang mga kapatid naming Muslim na siya ring lumagda, ang mga taga iba’t ibang hanay ng oposisyon na tumulong upang maging masustansya at matibay ang interbensyon na ito.

Pagkatapos naming isumite itong intervention na ito ay padadalhan namin ang bawat miyembro ng oposisyon ng kopya ng dokumento.

Kami ay nananampalataya na sa Lunes ay i-endorse na rin nila, kahit hindi kinakailangan, bilang pagpapatunay na buo ang loob at sentimyento nila na panagutin ang Pangulong Arroyo sa kanyang paglabag sa ating Saligang Batas at sa mga katiwalian niyang ginawa at patuloy na ginagawa.

Maraming Salamat po. Mabuhay po Kayo.
***************************************************************************

Here's a concise version of the intervention filed at the House.
November ___, 2008

Hon. _________
Representative, ____ District, ________
House of Representatives
Quezon City

Dear Rep. ________:
Today, together with ... other intervenors, I have filed an intervention to
add the Memorandum of Agreement concerning the proposed Bangsamoro Juridical
Entity to the impeachment charges being considered by the House.

Our intervention is based on the following premises:

1. That the House of Representatives, in deliberating upon the charges
against the President of the Philippines, should strive to put together as
strongand comprehensive a case as possible, in order to properly and
thoroughly address all the issues that demand accountability from the chief
executive.

2. That the citizenry is obligated to do its part to help fortify the case
against the President of the Philippines.

We are of the opinion, and submit for your consideration and endorsement,
that:

1. The President of the Philippines must be held accountable for violating
her oath of office in authorizing and supporting an agreement that has been
proven to be contrary to the Constitution. Any President is duty-bound to
operate within the parameters established by the Constitution, and when a
President deliberately disregards our Constitution's provisions, there must
be an accounting made to the citizenry.

2. The President must therefore be held accountable for what the Supreme
Court has ruled to be an agreement that violated our Constitution.

3. That furthermore, the President must be held accountable for setting back
the peace process; and for placing ordinary citizens, Muslim and Christian
alike, in Mindanao, in peril because of the recklessness and faithlessness,
with which she conducted the negotiations for the agreement. She has done
grevious harm to the prosperity and tranquility of Mindanao and the entire
country and her doing so is a violation of public trust and her
Constitutional responsibilities. She betrayed the public, and all the
parties that participated in the peace process in good faith and with a
historic resolution of ancient grievances in mind.

We believe that we have made a strong case for including the BJE-MOA among
the charges against the President. We believe that this is a matter of such
seriousness as to require the House of Representatives providing the
President with an opportunity to explain herself to you, our
representatives, and through you, to an alarmed and outraged public. We
further believe that the President will find it impossible to satisfactorily
explain herself and that as a consequence, the House will find it necessary
to include our intervention among the impeachment charges.

May I respectfully invite you, then, to endorse our intervention, so that
ample opportunity may be provided for the President of the Philippines to
air her side, and for the public to be informed, through you, once and for
all, about the circumstances surrounding the agreement.

I am confident that you will respond to the overwhelming clamor of the
citizenry, throughout the country but particularly in Mindanao, for public
policy to be conducted in good faith, without recklessness and imprudence,
and with the true interests of the nation at heart and not just partisan
political convenience for the administration.

May I also invite you, on behalf of myself and my colleagues, Jarius Bondoc
and William Esposo of the Philippine Star, Ellen Tordesillas of Malaya, and
Manuel Buencamino of The Business Mirror, to state, for the record, your
response to these two questions:

1. How do you intend to vote on the impeachment complaint already filed
before the House? Will you be present at the committee level and plenary
voting on these charges?

2. Are you in favor of including the BJE-MOA among the impeachment charges,
and why or why not.

We trust you will give your answer to us by Wednesday so we can publish
them. And we further trust that you will find our intervention meritorious
and worthy of your endorsement.

Respectfully yours,


Manuel L. Quezon III

The full copy will be available on the next entry.

2 comments:

pinoy ako said...

"Ang impeachment ay hindi nasasakluban ng executive privilege. Walang executive privilege ang impeachment. Kung tatalakayin ng tapat at ng walang kinikilingan ang mga paratang na nasasaloob sa impeachment complaint, kung pakikinggan ng wasto ang mga testigo, at kung pag-aaralang mabuti ang mga ebidensyang inihain ng mga complainant sa Kamara, ay makasisiguro tayo na magwawakas rin ang alitan ng administrasyon at oposisyon at ang pagkakahati ng ating mamamayan."

----

yan ay malaking KUNG, pero magyayari ba yan with the present state of TONGressmen?

Immanuelle Peach said...

"yan ay malaking KUNG, pero magyayari ba yan with the present state of TONGressmen?"

I shouldn't really reply to this as it's a reaction to Manolo's statement. However understand your concern all too well. And honestly, there is a great possibility that the impeachment complaint may go the same way as my dead pet goldfish and undercooked isaw. Of course, I admire these men for having faith still on the constitution and their seemingly infinite patience for bureaucracy. My stand is this: The impeachment process is only the beginning. If it fails, surely we're imaginative enough to have other options.